Magsasaka na may Kaso sa Batas, Arestado sa Benito Soliven, Isabela!

39

*Benito Soliven, Isabela- *Arestado ang isang magsasaka na may kaso sa batas matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas nuebe kaninang umaga sa brgy District 2, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang natimbog na si Roberto Sandoval, singkwentay siyete anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Benito Soliven si Sandoval sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Alfred Alex Castillo ng 16th MTC Benito Soliven-San mariano, Isabela dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Serious Physical Injuries and Damage to Properties.

Dinala na sa himpilan ng pulisya si Sandoval para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at Pansamantala itong makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng labingwalong libong piso (18,000.00)

Facebook Comments