Manila, Philippines – Iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na gumawa ang mga otoridad ng paglabag sa batas matapos na piliting arestuhin si Sen. Antonio Trillanes.
Sinabi ni Lagman na mali ang paglalabas ng Makati RTC branch 150 ng warrant of arrest laban sa Senador.
Paliwanag ng kongresista, ibinaba ng Korte Suprema sa lower court ang kaso ni Trillanes para isailalim ito sa preliminary investigation.
Hindi dapat naglalabas ng WOA ang korte at sa halip ay dapat munang ibalik ng Makati RTC sa Korte Suprema ang resulta ng preliminary investigation dito.
Ipinunto pa ni Lagman na hindi naman flight risk at hindi naman tatakas ang senador kaya hindi sana minadali ang pag-aresto kay Trillanes.
Facebook Comments