Himig Cauayeno Choral Group, Sasabak sa National Championship Choral Competition sa Vigan City!

Cauayan City, Isabela – Makikipagtagisan sa larangan ng musika ang Himig Cauayeno Choral Group para sa National Championship Choral Competition na gaganapin sa Vigan City sa darating na ika-bente otso ng Setyembre ngayong taon.

Ayon kay Sangguniang Panlungsod Member Garry Galutera ng Cauayan City ay sinabi nito na patuloy ang paghahanda ng mga miyembro ng Himig Cauayeno Choral Group sa kanilang nalalapit na kompetisyon.

Masayang ibinida ni SP Member Galutera na dati na umanong nanalo ang Himig Cauayeno Choral Group sa ganitong mga patimpalak kung saan ay nakakasungkit ang mga ito ng first at second place sa National Championship Choral Competition.


Sinabi pa ni City Councilor Galutera na ito rin umano ang magandang paraan upang maihanda ang mga kabataan sa nalalapit na CAVRAA 2019 at maging sa pangunguna ng Cauayan City sa darating na CAVRAA 2020.

Dahil dito ay inaanyayahan ni SP Member Galutera ang lahat ng mga kabataan na nagnanais na maging bahagi ng choral group upang magpakitang gilas at mapabilang sa grupo ng kabataang Cauayeno.

Facebook Comments