Manila, Philippines – May sapat na basehan ang rekomendasyon ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang implementasyon ng ikalawang tranche ng fuel excise tax sa Enero.
Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, malaki na ang ibinaba ng presyo ng langis sa world market mula sa 80-dollars per barrel na basehan sa pagsuspinde ng excise tax.
Katunayan aniya, sa susunod na linggo may panibagong bigtime oil price rollback na namang aasahan ang mga motorista.
Gayunman, nilinaw ni Lambino na rekomendasyon pa lang ito at hihintayin pa nila ang desisyon ng Pangulo.
Mahigpit din aniya silang magbabantay sa mga gagawing pagpupulong ng mga oil producing countries dahil anumang mapag-usapan dito ay maaaring makaapekto sa suplay at presyuhan ng langis sa world market.