WEATHER UPDATE | Hanging amihan, magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon

125

Mataas ang tiyansa ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa pag-iral ng hanging amihan.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente ng Quezon Province, Camarines Sur at Camarines Norte dahil sa posibleng pagbaha at landslide.

Uulanin din ang Batanes at Babuyan Group of Islands habang maulap na kalangitan at mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Kamaynilaan.

Sa Visayas at Mindanao, magiging maalinsangan sa tanghali pero asahan pa rin ang mga localized thunderstorm pagsapit ng hapon.

Bagaman at walang inaasahang bagyo na papasok sa bansa sa loob ng apat na araw may nakataas pa ring gale warning sa mga baybaying-dagat ng Ilocos Region, northern coast ng Cagayan, Batanes at Babuyan Group of Islands.

Hanggang 4.5 meters ang posibleng taas ng alon kaya bawal munang pumalaot ang maliliit na sasakyang-pandagat.

Facebook Comments