IGINIIT | Pagsibak sa 3 matataas na opisyal ng DSWD hindi dahil sa pagiging makakaliwa – Malacañang

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na tinanggal sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong matataas na opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, sibak sa posisyon sina Undersecretary for Promotive Operations and Programs Group Maria Lourdes Turalde-Jarabe, Undersecretary for Protective Operations and Programs Group Mae Ancheta Templa at Undersecretary for Disaster Response Management Group Hope Hervilla.

Sinabi ni Medialdea, walang kinalaman ang pagkakasibak sa tatlo sa pagiging makakaliwa ng mga ito.


Paliwanag ni Medialdea, kailangang tanggalin ang tatlo upang makabuo ng mas mabuting Team sa DSWD na pinamumunuan ngayon ni Secretary Ronaldo Bautista na siya namang magtatalaga ng kanyang mga sariling tao na makapagbibigay ng mas magandang serbisyo.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isa sa kayang talumpati sa ibayong dagat na pag-uwi nito sa Pilipinas at mayroon siyang sisibaking opisyal ng gobyerno para matigil na aniya ang katiwalian pero wala namang pinangalanan ang Pangulo kung sino ang mga ito.

Facebook Comments