Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Chiz Escudero na hindi dapat pairalin ang ‘quit mentality’ matapos ang nangyaring aberya sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA na dulot ng pagsadsad ng Xiamen Aircraft.
Pagkontra ito ni Escudero sa panawagang magbitiw na sina Transportation Secretary Arthur Tugade at MIAA General manager Ed Monreal.
Ikinatwiran ni Escudero na kung pagbibitiwin sina Secretary Tugado at GM Monreal, walang kasiguraduhan na ang papalit sa kanila ay hindi magsisimula sa wala at kakailanganin pa na pag-aaralan ang pagpapatakbo ng paliparan.
Diin pa ni Escudero, wala ring katiyakan na ang iluluklok na mga bagong opisyal ay hindi makagagawa ng mga pagkakamali.
Ayon kay Escudero, ang dapat gawin ngayon ay itama ang mga pagkakamali at siguraduhin na may mga nakalatag na protocols sakaling magkaroon muli ng aksidente o problema sa paliparan.