IGINIIT | Pangulo, hindi dapat pilitin na isapubliko ang kalusugan

Manila, Philippines – Iginiit ni House Speaker Gloria Arroyo na hindi maaaring obligahin ang Pangulo na isapubliko ang sakit nito maliban na lamang kung nalalagay na sa panganib ang buhay nito.

Ito ang pahayag ng Speaker pagkatapos ng kumpirmasyon na mayroong growth sa digestive track ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni SGMA na base sa itinatakda ng Konstitusyon, serious illness ang dapat na inaamin sa publiko ng isang Pangulo.


Pero, magiging cause for concern lamang ang sakit ng Pangulo kapag ang presidente na mismo ang nagsabi na seryoso ang growth nito.

Sa katunayan aniya, siya din ay nagkaroon ng maraming pre-cancerous polyps pero hindi naman nagtuloy sa cancer ang mga ito dahil sa agad na natanggal ng mga doktor.

Si Pangulong Duterte naman na ang nagsabi na aaminin niya sa publiko ang lagay ng kanyang kalusugan lalo na kung seryoso ito.

Facebook Comments