TIMBOG | 2 Chinese fugitives, arestado ng BI

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese na wanted sa Beijing dahil sa economic crimes.

Kinilala ang dalawang Chinese fugitives na sina Fu Hanzhou, 42-anyos at Huang Meizhen, 37-anyos.

Partikular na sangkot ang mga ito sa credit card fraud scheme at nakabiktima ng maraming mga Chinese sa kanilang bansa.


Ang pasaporte ng dalawang dayuhan ay kinansela na ng Chinese government at sila ay nakatakdang ipa-deport ng BI.

Facebook Comments