Manila, Philippines – Iginiit ni Supreme Court acting Chief Justice Antonio Carpio na dapat pakinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulso ng mamamayan.
Ito ay kasunod na rin ng survey ng Pulse Asia na 73 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang dapat ipaglaban ng Administrasyong Duterte ang soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Carpio, maliban sa pagpapalawak ng teriroryo, pinag-iinteresan rin ng China ang mga makukuha nito sa ilalim ng karagatan partikular ang methane hydrates na tinuturing na fuel of the future.
Sabi pa ni Carpio, hindi rin dapat manahimik ang Pilipinas sa patuloy na pagtatayo ng China ng mga istraktura sa West Philippine Sea.
Aniya, dapat pa ngang maningil ng danyos ang Pilipinas sa China.
Kasabay nito, nanindigan rin si Carpio na hindi tama ang suhestyon na magkaroon ng co-ownership sa West Philippine Sea.