Manila, Philippines – Muling iginiit ni DBM Secretary Benjamin Diokno na prayoridad pa rin ng Duterte Administration ang social services partikular ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program sinundan ng National Health Insurance Program, Universal Access to Quality Tertiary Education, Free Irrigation for Farmers, Basic Educational Facilities Program at Rice Subsidy for Military and Uniformed Personnel.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Diokno na sa kabuuang 1.377 trillion pesos ng 2019 National Budget ng pamahalan ay social services pa rin ang pangunahing prayoridad ng Duterte Administration.
Paliwanag ni Diokno mahalaga ang social services upang mabawasan ang mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng pagtutok sa health at education services.
Giit ng kalihim ang pagpondo ng universal access to quality tertiary education ay tumaas mula 40 billion pesos ngayon taon ay magiging 51 billion pesos sa susunod na taon 2019.
Umaasa si Diokno na mababawasan ang mga mahihirap na Pinoy dahil sa pagtutok ng pamahalaan at malaking pondo na inilaan para sa mga mahihirap na Pilipino.