SINIGURO | Speaker CGMA, tiniyak ang pagbibigay ng tulong ng Kamara sa mga nasalanta ng kalamidad

152

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na bibigyang tulong ng Kamara ang mga lugar na naapektuhan ng mga kalamidad.

Sa ambush interview, sinabi ni GMA na sa kanilang caucus kanina kasama ang mga kaalyadong kongresista, ay tinukoy nila ang mga lugar na lubhang nangailangan ng tulong.

Nasa siyam na mga distrito aniya ang inisyal nilang natukoy na apektado ng kalamidad.

Paliwanag nito, hahanap sila ng paraan upang makapagbigay ng kinakailang ayuda mula sa Kamara.

Samantala, ngayong hapon sinabi ni Speaker GMA na raratipikan nila ang Bangsamoro Organic Law.

Sinabi pa nito na hindi pa naman sila nakakapag usap ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez at Hindi pa napaguusapan ang rigodon sa Kamara.

Facebook Comments