IGINIIT | PITX pabigat, dagdag hirap para sa mga manggagawa – ALU-TUCP

Manila, Philippines – Pabigat lamang para sa mga manggagawang nagko-commute papunta ng trabaho ang bagong landport na Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ito ang lumalabas sa simulation at interview na ginawa ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa mga manggawang nagtatrabaho sa National Capital Region (NCR) at umuuwi sa Cavite at Batangas araw-araw.

Ayon kay Alan Tanjusay, spokesperson ng ALU-TUCP, ang kasalukuyang sistema ng dagdag gastos, dagdag oras at dagdag lost opportunities pa para sa mga workers ang kasalukuyang sistema ng PITX.


Bukod aniya sa kabawasan sa productivity sa opisina at paggawaan, bawas sweldo, dagdag oras, additional tardiness, additional stress din ito para sa mga manggagawang matagal nang naghihirap at nagsasakripisyo dahil sa matinding trapik, mahal na pasahe, stressful commuting at lost opportunity.

Dahil dito, inirerekomenda ng grupo na i-rectify pa ang sistema sa pamamagitan ng pagsasaayos ng city at provincial buses.

Dapat din na paigtingin ng gobyerno ang coordination at communication ng MMDA, DOTr, LTFRB at local traffic enforcers.

Facebook Comments