IGINIIT | PRRD, inamin na mananatiling miyembro ng PDP-Laban

Manila, Philippines – Inamin ng Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili siyang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Mismong ang Pangulong Duterte ang nagkumpirma nito, sa gitna ng mga lumutang na espekulasyon na baka lumipat na siya sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) na partido ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi ni Duterte na ayaw niya na magpalit ng partido kaya mananatili siya sa PDP-Laban kung saan nagbigay pa siya ng payo sa anak.


Matatandaan na ang PDP-Laban ang nagdala kay Duterte sa kanyang kandidatura noong 2016 presidential polls.

Nabatid na dumalo si Duterte sa HNP Convention, kung saan present din ang iba pang mga politiko gaya ni Senators Cynthia Villar, JV Ejercito at Sonny at sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Facebook Comments