Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘inclusive globalization’ na makatutulong sa mga maliliit na bansa at mai-angat ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa paggamit ng teknolohiya.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa pagdalo niya sa APEC Economic Leader’s meeting sa Port Moresby, Papua New Guinea.
Dinaluhan ng Pangulo ang mga mahahalagang dayalogo tulad ng business advisory council, pacific islands forum at ang pulong kasama ang International Monetary Fund (IMF).
Sa usapin ng pagbagal ng kalakalan sa APEC region, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez – malinaw na naapektuhan nito ang trading goods kung kaya at kinakailangang maghanap ng ibang paraan ng trade at services ang nakikita nila dito.
Investment cooperation at promotion ng mga joint ventures, maging ang technical cooperation ang mga bagay na maari pang pagbutihin.
Dagdag pa ng kalihim – ang digitalization ng mga MSMEs ay isa pang bahagi na kailangang palaguin.
Naniniwala rin si Lopez na kung may financial literacy at may digital literacy para magamit ang potential na digital technology.
Pinag-usapan din ang usapin ng climate change.
Binati rin ni Pangulong Duterte si Papua New Guinea Prime Minister Peter O’neil para sa matagumpay na hosting ng 2018 APEC Summit.