Manila, Philippines – Iginiit ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus na galit ng taumbayan ang mananaig sa ibinibintang na RED October.
Ayon kay de Jesus, ang pamahalaan ang gumagawa ng pagwasak sa sarili nito kasunod ng panibagong pagtaas nanaman ng inflation sa 6.7% noong Setyembre.
Aniya, ang gobyerno ang nagpapabagsak sa sarili nito dahil sa mga factors na nakakaapekto sa buhay ng mga mahihirap kaya hindi na nakakagulat kung ang RED October ay mangahulugan ng galit ng mga Pilipino dahil sa pagiging palpak ng pamahalaan.
Naniniwala naman si ACT TEACHERS Rep. France Castro na itinatago lamang ng imbentong Red October ang tunay na kalagayan ng mga mamamayan.
Dahil aniya sa 6.7% na inflation rate, kumpirmado ang paglala ng kahirapan sa bansa at hindi na pwedeng iwasan ng gobyerno ang galit ng publiko.