Manila, Philippines – Aminado si Justice Secretary Menardo Guevarra na maraming mga probisyon sa Human Security Act ang dapat amyendahan.
Ang pahayag ni Guevarra ay kasunod ng pagkaka-convict kahapon ng Taguig Regional Trial Court Branch 70 sa kasong terorismo laban sa sinasabing recruiter ng grupong Maute na si Nur Supian.
Sa kabila nito, inihayag ni Guevarra na naging matagumpay ang pagsusulong ng pamahaalan sa kaso ni Supian dahil itinuturing itong major terrorism case.
Si Supian ay sinentensyahan ng korte ng 40 taong pagkabilanggo.
Si Supian ang itinuro ng mga naarestong residente ng Zamboanga noong July 2017 na nag-recruit daw sa kanila para maging sundalo
Gayunman, nagulat na lamang sila nang isinanib sila sa Maute Group na nakipagbakbakan noon sa militar sa Marawi City.