Binata sa Echague, Isabela, Patay Matapos Sumalpok sa Kasalubong na Kuliglig!

*Echague, Isabela- *Patay ang isang binata matapos sumalpok sa kasalubong na kuliglig bandang alas nuebe y medya kagabi sa brgy Rumang-ay, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima at driver ng motorsiklo na si Jeron Cesar Tomas Palteng, 29, binata habang ang suspek at driver naman ng kuliglig ay si Vicente Romero, 56 anyos at pawang mga residente ng brgy Rumang-ay, Echague, Isabela.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP Echague, Isabela, magkasalungat na binabaybay nina Palteng at Romero ang kahabaan ng brgy Rumang-ay, Echague, Isabela nang mag-overtake sa kasunod na kulong-kulong si Palteng at aksidenteng sumalpok sa kasalubong na kuliglig.


Nagtamo ng malalang sugat sa ulo ang biktima na agad namang isinugod ng Rescue Echague sa pagamutan subalit idineklara din itong Dead On Arrival (DOA).

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP Echague hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments