IGINIIT | Sec. Guevarra, kinumpirmang hindi pa tinatanggap ni Faeldon ang BuCor post

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi pa tinatanggap ni dating Customs Chief Nicanor Faeldon ang kanyang appointment bilang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay bilang kapalit sana ni resigned BuCor Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na tumatakbong senador.

Bunga nito, sinabi ni Guevarra na itinalaga muna niya si BuCor Deputy Director General Melvin Ramon Buenafe bilang officer-in-charge ng BuCor.


Sinabi pa ni Guevarra na maaari pa rin namang umatras si Faeldon kung hindi siya interesadong pamunuan ang Bureau of Corrections (BuCor).

Ang BuCor ay isa sa attached agencies ng DOJ.

Facebook Comments