Manila, Philippines – Positive development para kay Committee on Economic Affairs Chairman Senator Sherwin Gatchalian na hindi na gumalaw pataas pa ang inflation rate o presyo ng mga bilihin ngayong buwan.
Gayunpaman, para kay Gatchalian, mataas pa rin ang 6.7 percent na inflation rate kaya kailangang kumilos ang pamahalaan para ito ay matugunan.
Tinukoy ni Gatchalian na pangunahing solusyon ang implementasyon ng rice tariffication.
Ikalawa, ayon kay Gatchalian ay ang suspensyon ng dagdag na buwis na ipinataw sa protuktong petrolyo ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Iginiit din ni Gatchalian ang kumpletong pagpapatupad ng mga nakapaloob sa TRAIN Law na tulong sa mga mahihirap na lubhang apektado ng pagtaas ng presyo ng bilihin na kinabibilangan ng unconditional cash transfer program at pantawid pasada program.