Manila, Philippines – Iginiit ni Labor Committee Chairman Senator Joel Villanueva, na malabo at bukas sa iba’t ibang interpretasyon ang mga probisyong nakapaloob sa labor code.
Ayon kay Villanueva, ang hindi malinaw na laman ng labor code ay nagreresulta sa pang-aabuso sa kontraktwalisasyon at ugat pa ng mga protesta ng mga mangagawa at marahas na dispersal sa kanila ng mga otoridad.
Sabi ni Villaneuva, ito ang lumabas sa pagdinig na isinagawa ng senado ukol sa naging problema ng mga empleyado ng nutriasia sa bulacan at ng Philippine Long Distance Company o PLDT.
Giit ni Villanueva, ang kailangan ay isang klarong batas kung saan malinaw ang criteria kung kailan may “labor-only contracting” at malinaw kung ano ang “core business” o “specialization” at dapat may “flexibility” din.
Bunsod nito ay tiniyak ni villanueva na kanilang aamyendahan ang batas para matugunan ang interes ng mga employers at mga manggagawa.