Manila, Philippines – Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, walang dapat ikabahala si Solicitor General Jose Calida sa imbestigasyon ng Senado ukol sa multi-milyung kontratang sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno ng security agency ng pamilya nito.
Pahayag ito ni Gordon makaraang maghain ng petisyon sa Korte Supreme si Calida na humihiling na huwag matuloy ang senate investigation dahil layunin daw nito na siya ay ipahiya at hindi para bumuo ng panukalang batas.
Pero pagtiyak ni Gordon, bilang chairman ng komite ay hindi naman niya hahayaan na ipahiya si Calida sa pagdinig.
Ipinaliwanag din ni Gordon na maaring magsagawa ng pagdinig ribbon committee sa umano ay pagkakasala ng mga nasa gobyerno kahit hindi in aid of legislation.
Sinabi ni Gordon na maaring silipin ng komite ang sinasabing conflict of interest ni Calida o ang posibleng paggamit sa posisyon nito para mapaboran ang negosyo ng kanyang pamilya.