Manila, Philippines – Plano ng Pamahalaan na isuspendi sa unang tatlong buwan ng taong 2019 ang nakatakdang dagdag pang buwis sa produktong petrolyo para mapababa ang inflation rate o presyo ng mga bilihin.
Pero ayon kay Committee on Economic Affairs Chairman Senator Win Gatchalian, para makamit ang target nito ay dapat isabay ang pagpapatupad ng rice tariffication bill.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na .2 percent ang ibababa sa inflation rate kapag sinuspendi ang excise tax sa langis na nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Habang .7 percent naman ang ibababa sa inflation rate kapag ipinatupad ang Rice Tarrification Bill.
Sa pagtaya ni Gatchalian, kapag nangyari ito ay papalo na lang sa 3.4 percent ang ating inflation rate.