IGINIIT | Suspensyon ng TRAIN law, iginiit nina Senators JV Ejercito at Bam Aquino

Manila, Philippines – Muling iginiit nina Senador JV Ejercito at Bam Aquino ang suspensyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law dahil sa pagtaas sa 5.2 percent ng inflation rate.

Diin ni Ejercito makabubuting suspendehin muna ang TRAIN law dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, gasolina gayundin ang pasahe sa jeep.

Katuwiran ni Ejercito, dahil sa TRAIN law ay nabawasan nga ang buwis na binabayaran ng pamilyang Pilipino pero binawi naman sa pagtaas gastusin.


Si Senador Aquino naman ay nauna ng naghain ng panukalang isuspinde at i-rollback ang excise tax sa langis sa ilalim ng TRAIN Law.

Isinusulong din ni Senator Aquino ang buong pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa mahihirap, tulad ng unconditional cash transfer program para sa mahihirap na pamilyang Pilipino at Pantawid Pasada Program para sa jeepney operators at drivers.

Facebook Comments