IGINIIT | Susunod na henerasyon, dapat ikonsidera sa pagpapalit ng porma ng gobyerno sa federalism

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Panfilo Ping Lacson na sa planong pagpapalit ng porma ng gobyerno patungong pederalismo ay dapat manaig ang kapakanan ng susunod na henerasyon.

Mensahe ito ni Lacson sa lahat ng tumututol at pumapabor sa probisyon ukol sa pagkakaroon ng transition president na nakapaloob sa draft para sa federal constitution.

Nais ni Lacson na itanim sa isipan ng bawat isa na ang proposed draft charter ay hindi lang para sa iisang indibidual o sa taumbayan ngayon.


Diin ni Lacson sa mga kasamahang mambabatas, sa oras na maisumite na sa Kongreso ang panukalang charter para sa federal government ay dapat nilang ibase ang kanilang desisyon para sa kinabukasan ng mamamayang Pilipino.

Facebook Comments