IGINIIT | Sweldo sa mga guro na magsisilbi sa eleksyon, hindi dapat kaltasan ng buwis

Manila, Philippines – Inihaian ni Senadora Nancy Binay ang Senate Bill No. 1941 kung saan nakapaloob na hindi dapat kaltasan ng buwis ang kompensasyon na ibinibigay sa mga guro na magsisilbi sa eleksyon.

Ang nasabing panukala ay didinggin pa lamang ng Committee on Ways and Means at committee on Electoral Reforms and People’s Participation.

Diin ni Binay, ang panukala ay bilang pasasalamat sa mga guro na itinuturing na bayani dahil sa kanilang pagsisilbi sa eleksyon sa kabila ng panganib na hatid nito.


Base sa panukala ni Binay, ang ipagkakaloob na allowance sa mga guro na magsisilbi eleksyon ay hindi na dapat isama sa pag-compute ng buwis na kinakaltas sa kabuuang sweldo ng mga ito.

Facebook Comments