SUPORTADO | Sec. Panelo susuportahan ang pagtakbo ni Harry Roque

396

Manila, Philippines – Susuportahan ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo si Secretary Harry Roque sakaling ituloy nito ang kanyang plano na pagtakbo sa pagkasenador sa susunod na taon.

Ito ang sinabi ni Panelo matapos itong italaga ni Pangulong Duterte bilang kanyang tagapagsalita kapalit ni Roque na hanggang ngayon ay hindi pa rin naman nagsasalita kung itutuloy niya ang kanyang pagtakbo sa eleksyon.

Ayon kay Panelo, nakausap niya si Roque at tiniyak niya aniya dito na susuportahan niya ito sakaling tumakbo.

Naniniwala din naman si Roque na susuportahan din ni Pangulong Rodrigo Duterte si Roque sa halalan.

Paliwanag ni Panelo, maraming beses nang inindorso ni Pangulong Duterte si Roque sa mga aktibidad nadinaluhan nito kung saan tinawag ng Pangulo si Roque na senador.

Facebook Comments