IGINIIT | Tax refund para sa mga gurong nanilbihan sa halalan, isinusulong na

Manila, Philippines – Iginiit ni Sen. Sonny Angara ang tax refund para sa mga honoraria at allowance na tatanggapin ng mga guro na nagsilbi ngayong Barangay at SK elections.

Sabi ni Angara, hindi na dapat patawan ng 5 percent tax ang honoraria at allowance ng mga guro na may kabuuang basic salary sa isang taon na nagkakahalaga ng P250,000 pababa.

Ayon kay Angara, makakakuha naman ng P350 na halaga ng tax refund ang teachers I and II na magsisilbing Chairperson ng electoral board.


P300 naman ang tax refund na makukuha ng mga guro na aaktong miyembro ng electoral board.

Para makakuha ng refund, ipinalala ni Angara na dapat isumite ng mga guro sa bureau of internal revenue ang kanilang sworn declaration na nagsasabing sila ay tumatanggap ng salary grade 11.

Facebook Comments