IGINIIT | Tulong sa mga mangingisda, iginiit ni Sen. Aquino sa halip na umangkat ng galunggong

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Bam Aquino sa pamahalaan na tulungan ang mga mangingisda na madagdagan ang kanilang huli at mabawasan ang gastusin sa halip na mag-angkat lang ng “galunggong” para mapababa ang presyo ng isda sa merkado.

Reaksyon ito ni Senator Aquino sa plano ng Department of Agriculture (DA) umangkat ng galunggong simula Setyembre bilang tugon sa kakulangan ng suplay nito at mataas na presyo ng isda.

Ayon kay Aquino, nabibigatan na ang mga mangingisda sa taas ng kanilang gastusin, kung saan kalahati ay napupunta lang sa gasolina, batay sa pag-aaral ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).


Mungkahi ni Senator Aquino sa gobyerno, bigyan din ng tulong ang mga mangingisda, tulad ng pantawid pasada program para sa mga jeepney drivers.

Umaasa din si Senator Bam na hahanap ng ibang paraan ang pamahalaan para mapababa ang presyo ng bilihin at serbisyo nang hindi tinatamaan ang ibang sektor tulad ng mga mangingisda.

Facebook Comments