Manila, Philippines – Dapat makialam na rin ang iba pang mga bansa sa mga iginigiit ng China na pagaari nila ang ilang pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ayon kay Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, ay dahil sa oras na magtagumpay ang China sa pangaankin ng teritoryo ng Pilipinas, ano pa raw ang pipigil sa Russia at sa iba pang malalaking bansa na angkinin rin ang mga karagatan o islang nakapalibot sa kanila ngunit hindi naman nila pagaari.
Sa oras aniya na mangyari ito, guguho ang rule of sea, at mas malaking problema ang kahaharapin ng lahat.
Kaugnay nito, ayon kay Justice Carpio, dapat ay makibahagi na rin ang ibang bansa na ipaintindi sa China, na mali ang kanilang ipinaglalaban.
Facebook Comments