Iglesia ni Cristo, mamahagi ng isang daang libo na goodies para sa mga bakwit na galing sa Marawi

Iligan, Philippines – Isang daang libo na goodies ang ipamamahagi ngayong araw ng Iglesia ni Cristo para sa mga Internally Displaced Person o IDPs na biktima ng kagulohang nangyayari sa Marawi City.

Aabot sa milyon ang ipinalabas na pundo ng Iglesia ni Cristo para makapagbigay ng tulong sa mga bakwit na galing sa Marawi.

Sinabi ni Mr. Emiliano Magtutu Jr.,ng Iglesia ni Cristo na dahil sa sulat na ipinaabot sa kanila sa Chairman ng Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace Datu Basher Bong Alonto napagdesisyonan ng kanilang simbahan na magbigay ng tulong sa mga biktima ng kagulohan.


Sakay ng 42 truck ang mga goodies na may tag lilimang kilong bigas, sardinas, kape, asukal at marami pang iba na ipamamahagi sa mga IDPs ng Balo-i lanao del norte.

Tiniyak ni Magtutu na walang tinitingnan na relihiyon ang Iglesia ni Cristo pagdating sa kanilang pagbibigay ng tulong sa kapwa.

Pasalamat naman ang ipinaabot ni Datu Alonto sa Iglesia ni Cristo sa pambihirang tulong na kanilang ibinahagi para sa mga kababayan nitong naging biktima ng kagulohan sa Marawi City.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments