Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Nancy Binay sa Bureau of Customs o BOC na ibigay sa mga biktima ng habagat ang 200-milyong pisong halaga ng nasabat na smuggled rice.
Panawagan ni Senator Binay kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, i-turn over sa Department of Social Welfare and Development o sa mga apektadong local government units ang nabanggit na 60,000 sako ng bigas.
Ikinatwiran ni Senator Binay na sa halip mabulok sa mga warehouse o containers vans ang nabanggit na smuggled rice ay makabubuting itulong na lang ito sa mga biktima ng kalamidad.
Tinukoy ni Senator Binay ang report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na umaabot sa 820,000 katao o 187,000 pamilya ang naapektuhan ng habagat at ng bagyong Karding sa region I at III, CALABARZON, CAR at NCR.