IGNORANTE DAW | Justice Secretary Aguirre, bumuwelta sa mga militanteng sumugod sa DOJ

Manila, Philippines – Tinawag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mga
ignorante ang mga nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng Department of
Justice (DOJ) na nananawagan na mag-resign na siya.

Sinabi ng kalihim na pilit siyang sinisilipan ng butas ng grupong Akbayan.

Gayunman ay nilinaw ni Aguirre na nirerespeto naman niya ang freedom of
assembly at expression ng kaniyang mga kritiko.


Nanindigan naman ang kalihim na mananatili siya sa pwesto hanggang may
tiwala at kumpiyansa sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments