Tuesday, April 7, 2026

Ihahaing kaso vs Rep. Romualdez at dating Sen. Escudero, hindi publicity stunt —Malacañang

Iginiit ng Malacañang na hindi para sa ingay o publisidad ang planong pagsasampa ng kaso laban kina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Senate President Chiz Escudero kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bawat kaso ay dumaraan sa masusing pagbusisi bago ihain, kung saan ebidensya ang magiging sandigan at mahigpit na susundin ang due process.

Binigyang-diin din ni Castro na hindi gawain ng administrasyon ang magsampa ng kaso nang walang matibay na basehan o magtanim ng ebidensya laban kaninuman.

Dagdag pa niya, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagpasimula ng imbestigasyon, na may layuning mapanagot ang mga sangkot sa umano’y pag-abuso sa pondo ng bayan.

Facebook Comments