Ihahalal na House Minority Leader, dapat tunay na taga-oposisyon

41

Umapela si Senator Kiko Pangilinan sa mga kongresista na maghalal ng isang lehitimong Minority Leader sa Kamara na makakapagbigay ng check and balance sa Majority na nakahanay sa administrasyon.

 

Giit ni Pangilinan, hindi pwedeng kahit sino lang ang maging pinuno ng minorya, kabilang na ‘yung mga nagnanais lamang ng posisyon at ‘yung mga nagbabalat-kayo bilang fiscalizer.


 

Paliwanag ni Pangilinan, kailangan ng Kamara at ng mga mamamayan ang isang tunay na lider ng oposisyon, hindi ang “Minority Leader” ng Mayorya.

 

Ayon kay Pangilinan, ang isang tunay na Minority Leader ay nakakatulong, patas, may sariling pag-iisip at tiyak na isinasaalang-alang ang interes ng mamamayan.

 

Facebook Comments

From Advertisers