Supreme Court App, inilunsad na ng Korte Suprema

73

Pormal nang inilunsad ng Supreme Court ang bago nitong SC App o Supreme Court Application sa Judiciary Memorabilia Hall na pinangunahan mismo ni Chief Justice Lucas Bersamin.


 

Layon nito na lalo pang mailapit sa publiko ang Hudikatura lalo na sa mga abogado at nagnanais na maging abogado at sa media.

 

Kabilang sa mga features ng kauna-unahang SC Mobile App ay ang Memorabilia ng SC kung saan makikita ang history at memorabilia ng Korte Suprema mula sa kauna-unahang Chief Justice kasama na rito ang American Regime.

 

Bukod sa Lawyer’s list kung saan nakalista ang lahat ng mga tunay na abogado, Makikita rin sa SC App ang Court locator at ang SC directory.

 

Sa ngayon, available ang SC app sa mga android phones o Google play store subalit ayon sa SC, pinaplantsa na rin nila na maging available ito sa Iphone o IOS sa mga susunod na araw.

Facebook Comments