Manila, Philippines – Hihilingin ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali na ihinto na ang impeachment proceedings laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Umali, pag-uusapan nila ni House Committee on Rules Chairman Majority Leader Rodolfo Fariñas ang kanilang magiging susunod na hakbang matapos katigan ng Supreme Court (SC) ang quo warranto petiton laban kay Sereno.
Aminado naman si Umali na nabunutan siya ng tinik dahil hindi na nila kailangan pang maghanda para sa impeachment trial.
Aniya, makakapag- concentrate na siya at iba pang mambabatas sa regular legislative work nila sa kongreso.
Naniniwala rin si Umali na maraming mahistrado pa ang boboto para katigan ang naunang desisyon ng SC en banc.
Facebook Comments