Iilang Mining Companies ng Surigao Del Norte at Caraga Region itinigil ang operasyon ayon sa MGB

Iilang Mining Companies ng Surigao Del Norte at Caraga Region itinigil ang operasyon ayon sa MGB Ito ang naging kumpirmasyon ni Regional Director Roger de Dios ng Mines and Geosciences Bureau epekto ng pagbaba ng presyo ng nickel metal sa world market. Pinangalan nito ang 6 na mining companies na boluntaryo na itinigil ang operasyon pansamantala gaya ng Krominco, Wellex Mining, Oriental Vision, Carrascal Nickel, CTP at Greenstones Mining. Dagdag pa ni Director de Dios, matapos ang babala sa SONA ni Pres. Rodrigo Duterte sa mga umaabusong mining companies, isang imbestigasyon ang kanilang isasagawa sa pag-verify sa iba’t ibang isyu. Ngayong araw, isang Committee Hearing rin ang isasagawa ng Sangguniang Panlalawigan na kung saan inimbitahan ang mga opisyal ng mga mining companies.

Sent from my iPhone

Facebook Comments