IIMBESTIGAHAN | 12 na sanggol, natagpuang patay habang nakasilid sa kahon at plastik sa Kenya

Kenya – Natagpuang patay ang 12 sanggol na nakasilid sa kahon at plastic bag sa isang ospital sa Kenya.

Binisita ni Nairobi Governor Mike Sonko ang Pumwani Maternity Hospital kasunod na rin ng mga natatanggap na reklamong kapabayaan.

Napansin niya ang mga kahon at nang pinabuksan ay dito lumantad ang mga bangkay ng mga bata.


Pinaiimbestigahan na ito ng gobernador at tiniyak na pananagutin ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments