IIMBESTIGAHAN | Apat na cabinet officials, iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na apat na cabinet officials ang kanilang iniimbestigahan.

Ayon kay Greco Belgica, tagapagsalita ng PACC, naisumite na nila ang kanilang report kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tumanggi naman si Belgica na pangalanan ang apat na opisyal na sangkot umano sa katiwalian.


Sinabi naman ni Belgica na aabot sa 700 kasong may kinalaman sa korapsyon ang isinumite nila sa Office of the President kung saan sangkot ang mga high-ranking at local officials.

Facebook Comments