BAGONG PINUNO | National Capital Region Police Office Director Camilo Cascolan, pormal nang uupo ngayong araw

Manila, Philippines – Pormal ng uupo ngayong araw bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Police Director Camilo Cascolan.

Ayon kay Cascolan, nais nyang ipagpatuloy ang “internal cleansing” sa PNP.

Aniya, kung hindi magbabago ang mga tiwaling pulis, siya mismo ang didisiplina sa mga ito.


Kasabay nito, tiniyak rin ni Cascolan na papaigtingin niya ang kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Si Cascolan ay nanilbihan bilang pulis sa loob ng higit 25 taon at naging provincial director ng Compostela Valley at hepe ng Taguig City.

Facebook Comments