IIMBESTIGAHAN | Barangay officials na kabilang sa narco list, isasailalim sa lifestyle check

Manila, Philippines – Posibleng isailalim ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lifestyle check ang mga barangay officials na kasama sa narco list na isinapubliko kahapon.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, layunin ng lifestyle check makakuha ng mga ebidensya at pagtibayin ang administrative at criminal complaints laban sa mga ito.

Pero aminado si Aquino na mahirap at dadaan pa ito sa mahabang proseso.


Nagkaroon na rin sila ng coordination sa anti-money laundering council para silipin ang finances ng mga barangay officials na nasa narco list.

Facebook Comments