IIMBESTIGAHAN | COMELEC, planong imbestigahan ang umano’y anomalya noong 2016 elections

Manila, Philippines – Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Elections (COMELEC) ng imbestigasyon sa mga umano ay iregularidad noong 2016 election.

Ito ay matapos sabihin ni Senate Majority Leader Tito Sotto na nagkaroon umano ng early transmission ng resulta ng mga boto sa ilang voting precincts noong Mayo 8, 2016.

Paliwanag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, kahit sa mismong araw ng halalan ay nagsagawa pa rin ng final testing at sealing ang ilang presinto.


Aniya, kulang din ang detalye na ibinigay ni Sotto kaugnay umano ay “foreign access” sa local election server.

Ang paggamit kasi aniya nila ng cloud service ay para sa seguridad ng datos na kanila namang pinapakita sa results website.

Tiniyak naman ng COMELEC na nakipag-ugnayan na sila kay Sotto para makita ang kaniyang mga dokumento.

Aminado naman ang COMELEC na kung may mapapatunayang iregularidad sa 2016 election ay maaaring maapektuhan ang timeline ng susunod na halalan sa 2019.

Facebook Comments