IIMBESTIGAHAN | DILG, Bubuo ng Board of Inquiry na mag iimbestiga sa insedente ng misencounter sa Samar

Pakikialaman na rin ng Department of Interior and Local Government at Department of National Defense ang imbestigasyon sa insedente ng misencounter sa pagitan ng Army Troopers at Police Operatives sa Samar noong lunes.

Bubuo ng hiwalay na board of inquiry si DILG OIC Secretary Eduardo Año para malaman ang ugat ng insedente at makabuo ng kaukulang hakbang para hindi na maulit ito.

Aalamin ng board kung nagkaroon ba ng tamang komunikasyon at koordinasyon ang local military at police forces sa pagpapatupad ng combat operations sa lugar.


Sinabi ni Año na mayroong kasing existing protocols sa pagitan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa mga field operations.

Sa naganap na misencounter sa pagitan ng mga elemento ng Philippine Army 87th Infantry Battalion at 805th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 8 sa bayan ng Sta. Rita at Villareal.

Anim na pulis ang napatay habang 9 na iba pa ang nasugatan sa insedente.

Kaugnay nito nag paabot ng pakikiramay ang DILG Chief sa mga naiwang pamilya ng mga pulis at tiniyak na makakatanggap sila ng financial assistance sa ilalim ng Comprehensive Social Benefits Program .

Facebook Comments