IIMBESTIGAHAN | Diplomatic protocols ng Pilipinas sa ibang mga bansa para sa mga OFWs, pinaiimbestigahan ng Kamara

Manila, Philippines – Pinasisilip ni House Committee on Overseas Filipino Workers Chairman Jesulito Manalo ang diplomatic protocols ng bansa sa pagbibigay proteksyon sa mga OFWs.

Ayon kay Manalo, kailangang tiyakin ng POEA na may existing bilateral agreement ang isang bansang pinapadalhan ng mga Filipino workers.

Pinatitiyak din ng kongresista sa gobyerno na ang isang bansa ay dapat may umiiral na international convention na sumusunod sa standard sa pagbibigay seguridad at pagsusulong sa karapatan ng mga migrant workers.


Mahalaga aniya na mapanatiling malakas ang diplomatic ties ng bansa sa lahat ng mga host countries na may mga OFWs.

Layunin aniya ng House Resolution 1829 na inihain ni Manalo na hindi na maulit pa ang sitwasyon ng mga naabuso at napatay na OFWs sa Kuwait.

Facebook Comments