IIMBESTIGAHAN | DOJ, magsasagawa ng sariling imbestigasyon laban sa mga prosecutor nito na nasasangkot sa katiwalian

Manila, Philippines – Magsasagawa ng sariling imbestigasyon si Justice Secretary Menardo Guevarra laban sa mga DOJ prosecutor na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa katiwalian.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Guevarra na pa-iimbestigahan niya ang apat na miyembro ng national prosecution service sa internal affairs unit ng DOJ.

Aniya, bukod pa ito sa gagawing pagsisiyasat sa kasong posibleng isampa sa Ombudsman.


Una nang pinangalanan ng Pangulo ang mga nasabing mga prosecutor na sina Samina Sampaco Macabando-Usman, Pasay City Prosecutor Benjamin Lanto, Inquest Prosecutor Clemente Villanueva at Assistant Prosecutor Florenzo Dela Cruz.

Paliwanag ni Guevarra, partikular na tututukan ng DOJ ang aspeto ng administratibo habang ang kasong kriminal ay sa tanggapan na ng Ombudsman.

Facebook Comments