Manila, Philippines – Sisilipin ng House Committee on Foreign Relations ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa gas at oil exploration sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Relations Committee Chairman Feliciano Belmonte, mahalagang pag-aralan ng Kongreso ang MOU ng Pilipinas at China sa WPS dahil interes ng bansa ang nakataya dito.
Ipapatawag ng komite si DFA Sec. Teddy Boy Locsin para hingiin ang paliwanag ng ehekutibo tungkol sa MOU.
Natanggap na ni Belmonte ang kopya ng MOU na ipinadala ni Sec. Locsin.
Wala namang balak si Belmonte na ipatawag ang Chinese counterpart nina Locsin dahil tiyak na hindi naman haharap ang mga ito sa Mababang Kapulungan.
Facebook Comments