Manila, Philippines – Iimbestigahan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 27 ‘ghost barangays’ sa Maynila na kinukwestyon ng Commission on Audit (COA).
Ayon sa COA, nakatanggap ng ₱100 million property tax shares o amilyar ang mga sinasabing ghost barangay.
Ayon kay DILG acting Secretary Eduardo Año, kailangan lamang nila ng karagdagang aksyon para umusad ang imbestigasyon.
Nasa 250 chief executive ang tinututukan ng ahensya.
Facebook Comments