IIMBESTIGAHAN | Investigation team binuo ng CAAP hinggil sa pagsadsad ng Xiamen Airlines sa NAIA runway

Manila, Philippines – Bumuo na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng investigation team na syang tututok sa nangyaring runway excursion o pagsadsad ng Xiamen Air flight MF8667 sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi.

Ayon kay CAAP Director General Captain Jim Sydiongco ang nasabing team ang siyang mag iimbestiga sa tunay na nangyari kung bakit sumadsad ang eroplano sa runway na nagdulot ng runway closure.

Nagresulta ito sa higit 30 cancelled na international at domestic flights at mayroon ding mga na-divert na flight sa Clark International Airport.


Sinabi pa ni Sydiongco na pag-aaralan din ng team ang penalties na ipapataw sa nasabing airline.

Sa ngayon hindi pa matukoy ng CAAP kung magkano ang ibabayad na danyos ng Xiamen Airlines.

Samantala, pinamamadali na ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal ang pagtanggal sa nabalahaw na eroplano.

Aniya natatagalan ang pagtanggal dito dahil na rin sa masamang lagay ng panahon.

Una nang sinabi ng CAAP na posibleng matagalan pa o hanggang alas 4 ng hapon mamaya bago maibalik sa normal ang operasyon ang runway ng NAIA.

Sa pinakahuling update mula sa MIAA naiangat na ang tail end ng aircraft para bigyang daan ang offloading ng mga bagahe ng mga pasahero.

Facebook Comments