IIMBESTIGAHAN | Kamuning Bakery, nasunog kaninang madaling araw

*Quezon City – Gumuho ang dulong bahagi ng Kamuning Bakery sa 2nd floor ito ay matapos masunog kaninang alas-dose ng madaling araw sa k-1st , Barangay Kamuning, Quezon City.*

*Ayon kay Fire Inspector Rosendo Cabillan, Chief Investigator ng Quezon City Fire Department, nag simula ang apoy sa stockroom kung saan nakaimbak ang mga pambalot ng tinapay at mga papel.*

*Mabilis kumalat ang apoy dahil kahoy lamang ang sahig at malakas din ang hangin.*


*Umabot sa unang alarma ang sunog at naapula alas 2:36 ng madaling araw.*

*Sugatan naman ang isang fire volunteer na si Justin Coroera matapos mahiwa ang kamay habang inaapula ang apoy.*

*Ayon kay Fire Inspector Cabillan iimbestigahan nila ang mga empleyado ng bakery.*

*Aalamin kung gumamit ba sila ng kandila dahil walang kuryente sa lugar matapos masunog ang katabing establishimento ng Kamuning Bakery kahapon.*

*Hindi bababa sa isang milyong piso ang pinsala sa insidente*

*1939 pa itinayo ang Kamuning Bakery kung saan madalas nagkakaroon ng pulong balitaan ng mga kilalang personalidad tulad ng mga senador, congressman at iba pa.*

Facebook Comments